Sunday, July 5, 2009
Exercise in semantics 33
Pero, kahit na jaded na ako, umaasa pa din ako na there’s such thing as love. Hindi fairytale love, napakaimpossible naman nun. Yung fairytale love kasi napakaidealistic at natatapos ang istorya nila pagnagtagpo na sila. Hindi napapakita kung anong nangyari para masabing “…and they lived happily ever after.” Yung in-between hindi naisulat kaya kaming mga babae, eto, bulag sa pagibig dahil ang iniisip namin, pag nakita mo na si Prince Charming (na haller, lahat na lang yata ng bidang babae sa fairytale eh nahuhumaling sa kanya) ayun na, the search is over, tapos na ang problema. Napakaimpossible. Yung problema magsisimula pa lang. Kaya yang “and they lived happily ever after” na yan eh napaka-misleading.
Exercise in semantics 32
Ang sarap lumandi, yung may tamang kilig, yung may nagpapakilig sayo. Yun lang. Pwede bang hanggang dun na lang? Di naman ako nadedevelop basta sa ganyan. Siguro minsan, tatamaan ka na lang talaga sa tao pag hindi mo inaakala. O marahil, mahuhulog ang loob mo sa taong mage-effort ng sobra. Siguro nga. Di ko kasi maintindihan tong puso na to…magulo. Yung mga hindi ko pa natural na nagugustuhan ang nagugustuhan ko. Anak ng teteng di ba? Parang gusto kong dukutin ang puso ko at hampasin ng bag kong may bricks ng matauhan.
Wednesday, July 1, 2009
Exercise in semantics 31
Ganito ba talaga pag nasawi sa pagibig, nagiging bitter? Parang lahat na lang na involve ang romantic love eh impossible, nakakagago, at hindi makatotohanan. Kasi nasawi ako kaya bitter ako. Sapat na ba yan na justification para pedeng jaded ang outlook ko sa pagibig? Sana.
Subscribe to:
Posts (Atom)