Sunday, July 5, 2009

Exercise in semantics 33

Pero, kahit na jaded na ako, umaasa pa din ako na there’s such thing as love. Hindi fairytale love, napakaimpossible naman nun. Yung fairytale love kasi napakaidealistic at natatapos ang istorya nila pagnagtagpo na sila. Hindi napapakita kung anong nangyari para masabing “…and they lived happily ever after.” Yung in-between hindi naisulat kaya kaming mga babae, eto, bulag sa pagibig dahil ang iniisip namin, pag nakita mo na si Prince Charming (na haller, lahat na lang yata ng bidang babae sa fairytale eh nahuhumaling sa kanya) ayun na, the search is over, tapos na ang problema. Napakaimpossible. Yung problema magsisimula pa lang. Kaya yang “and they lived happily ever after” na yan eh napaka-misleading.

1 comment:

  1. si prince charming babaero... pati si princess fiona pinatulan...

    ReplyDelete