Thursday, August 11, 2011

Exercise in semantics 40

Darating yung panahon na makakasalubong kita at magdadalwang isip ako kung babatiin kita. Pero ikaw na ang gagawa ng paraan, tatawagin ang pangalan ko at lalapit.

Ngingiti lang ako at magsasabi ng dahilan para makaalis agad. Baka kasi pag nakausap at natitigan kita, lahat ng ginawa ko para makalimutan ka mabalewala at magmaakwa ulit na mahalin ako.

~ July 7, 2011

No comments:

Post a Comment